CAN-UMANTAD FALLS
Ang Talon ng Can-umantad ay sinasabing pinakamataas na talon sa buong probinsya ng Bohol. Mula sa taas na 60 m, ang pinanggagalingan nitong tubig sa Ilog ng Cadapdapan ay bumabagsak sa gilid ng bangin na binubuo ng mga bed ng mga batong sedimentary na may anyong pahiga at bahagyang pahiga. Ang mga batong ito ay calcareous at tuffaceous at bahagi ng isang clastic member ng Carmen Formation (Middle Miocene, 16 mya – 11mya).