Inabanga Fault Scarp

INABANGA FAULT SCARP

Ang lindol na 7.2-magnitude na naganap noong ika-15 ng Oktubre, 2013 sa Bohol ay sumira sa bilyong halagang mga gusali at imprastraktura kasama na ang mga dantaong simbahan. Ito ay sanhi ng paggalaw ng isang bagong fault na ngayon lang lumitaw bilang mahabang bitak sa lupa na mababakas sa layong anim na kilometro mula Brgy. New Anonang sa Buenavista hanggang Brgy Napo sa Inabanga. Ito ay pinaniniwalaang bumabagtas pa papalabas sa karagatan. Ang pinaka-kitang-kitang bahagi ng fault ay nasa Bgy. Anonang, Inabanga, kung saan ang dati-rating pantay na sakahan ay nahati ng fault at ang dakong hilaga ay tumaas ng hanggang 3-metro na wari’y isang pader na kung tawagin ay fault scarp. Ang pader ay bumabagtas sa habang 2-kilometro. Ang paggalaw ng fault kung saan ang isang panig ay tumaas kumpara sa kabila ay mangyayari lamang sanhi ng napakalakas na enerhiyang taglay ng isang lindol na may 7.2-magnitude.

IBAHAGI ANG IYONG KARANASAN

#BoholIslandGeopark #BoholGeopark