Maribojoc Uplifted Marine Terrace

MARIBOJOC UPLIFTED MARINE TERRACE

Noong ika-15 ng Oktubre, 2013, niyanig ng isang malakas na 7.2-magnitude na lindol ang Bohol na naging sanhi ng pagkawasak sa maraming lugar sa isla at iba pang karatig na isla. Ang pagyanig ay isang pagpapatunay ng kapangyarihan ng kalikasan na patuloy na nagpapabago sa anyo ng lupa sa loob ng milyun-milyong taon: ang pagakyat ng mga bloke-blokeng lupa sanhi ng paggalaw ng fault. Sa pagkakataong ito, ang baybayin ng Loon-Maribojoc ang naitulak ng halos 1.5-metrong taas dahil sa pagkilos ng isang bagong fault sa Inabanga. Kung noong-una ay ilalim ng dagat at dating reef, ngayon ay isa ng bagong lupa na itinaas at lumitaw sa ibabaw ng dagat na kung tawagin ay marine terrace. Ito ay naging dahilan upang maitulak ang baybayin ng 50-metrong layo mula sa dati, papuntang dagat. Ito ngayon ay binansagang Maribojoc Uplifted Marine Terrace. Idineklara ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) ito na Loon-Maribojoc Geologic Monument sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 2015-08. Ang geological monument ay sumasakop sa habang 1.37 kilometro (137 ektarya) ng itinaas na dalampasigan ng mga bayan ng Loon at Maribojoc.

Ang iba pang mga lumang marine terrace ay matatagpuan malayo sa dalampasigan. Ang mga ito ay bahagi ng mga limestone ng Maribojoc Formation. Ang mga batong ito ay siya ring naitulak paitaas tulad ng naunang nabanggit na paraan, o ang tinatawag na tectonic uplift, na nangyari mahabang panahon na ang nakalipas. Ito ay katibayan ng matinding lakas ng kalikasan na patuloy na lumikha at humubog ng mga bagong anyo ng lupa.

IBAHAGI ANG IYONG KARANASAN

#BoholIslandGeopark #BoholGeopark