The Alicia Panoramic Park

Photo is taken by:Micah Lumaad

THE ALICIA PANORAMIC PARK

Ipinapakita ng Alicia Panoramic Park ang napakagandang tanawin ng Binabaje Hills ng Bgy. Cambaol sa bayan ng Alicia. Ang mga burol ay may taas na umaabot sa 400 metro mula sa ibabaw ng dagat, at karamihan sa mga halamang tumutubo dito ay mga damong cogon. Ang mga matataas na cogon ay marahang pumapagaspas sa simoy ng hangin, na nakapagbibigay ng mabalahibong anyo sa mga burol, na binubuo naman ng mga batong metamorphic- ang Alicia Schist na pinakamatandang bato sa Bohol (Late Jurassic - Early Cretaceous, 146 mya – 66 mya). Maraming taong mahilig makipagsapalaran ang masayang dumadayo at gumagaygay sa mga gulod ng mga burol na ito, upang maranasan ang kamangha-manghang tanawin na luntian na bagay na bagay sa pagkuha ng larawan.

0 Komento

Magsumite ng Komento

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

IBAHAGI ANG IYONG KARANASAN

#BoholIslandGeopark #BoholGeopark