BACLAYON ANCIENT MARINE TERRACE
Ang mga pumaitaas na mga marine terrace sa Baclayon ay halos katulad ng mga marine terrace sa Maribojoc, ngunit, ang mga ito ay mas matatanda pa. Nabuo ang mga ito noong panahon ng Pliocene-Pleistocene (5mya – 11,000 ya). Ang paggalaw ng fault sa kahabaan ng dalampasigan ang naging sanhi ng paglitaw mula sa dagat at pag-akyat ng mga dating reef, na kung tawagin ay marine terrace. Maraming-maraming beses na paggalaw sa matagal na panahon ang nagdulot ng wari’y sunod-sunod na mga baitang ng hagdan ng mga marine terrace na makikita sa Baclayon. Ang tatlong baitang na ito ay makikita sa taas na 20-metro, 40-metro at 60-metro mula sa ibabaw ng dagat. Ipinahihiwatig nito na hindi bababa sa tatlong pangyayari ng tectonic uplift ang gumimbala sa lugar. Ipinapakita ng mga paakyat na mga kalye papalayo sa daang-bayan ng Baclayon ang mga baitang ng mga sinaunang marine terrace.
Mga piraso ng malalaki at makakapal na taklobo (Tridacna gigas) at mga piraso ng mga gastropod (Strombaceae) ang mga nalikom sa lugar na ito. Pinag-aralan ang dalawang marine terrace sa Baclayon gamit ang Uranium-Thorium Analysis upang malaman kung ano ang edad nito at mapatunayan kailan naitaas mula sa dagat ang mga ito. Ang 20-metrong baitang na marine terrace ay may 129,000 gulang habang ang 60-metrong baitang ay 310,000 gulang naman.
IBAHAGI ANG IYONG KARANASAN
#BoholIslandGeopark #BoholGeopark