LOON UPLIFTED MARINE TERRACE AND CORAL GARDEN
Kasama sa mga dalampasigan na inakyat at tumaas noong lumindol ng ika-15 ng Oktubre, 2013 ay ang ngayo’y tinatawag na Loon Coastal Geomorphic Conservation Park na may sukat na 417-ektarya. Inakyat ito ng halos 1.5 metro pataas at ang dalampasigan ay naitulak naman ng mas malayo papuntang dagat ng 50 metro. Ang dating intertidal zone na ito, na kung saan dati rati ay lumulubog at lumilitaw sa pagdaan ng kati, ay isa ng uplifted terrace at tuluyan nang nasa tuyong lupa. Ang dating tigang na lupa pagkatapos ng lindol ay ngayo’y hitik sa sa dampalit (Tagalog) o bilangbilang (Bisaya), isang gumagapang na seagrass ng pamilyang Aizoaceae, na bumabalot sa lupa ng kulay pula at kahel tuwing tag-araw, at kulay na luntian tuwing tag-ulan. Tinatawag na itong Coral Garden ng mga katutubo at ito’y isa ng sikat na bagong destinasyon para sa mga turista at mga residente